Pumalo na sa 707 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.
Ani Duque, 71 na bagong kaso ang naiulat ngayong ika-26 ng Marso, 2020. Nadagdagan din ng pito ang mga pumanaw dahil sa sakit samantalang dalawa naman ang gumaling.
Ayon sa opsyal na tala ng DOH, 45 na ang bilang ng mga namamatay dahil sa nakahahawang sakit ngunit 28 naman ang nakabawi mula ditto.
Ayon sa kalihim, inaasahang tataas pa ang bilang ng mga kumpirmadong impeksyon dahil sa mas pinaigting na pagsusuri sa mga taong nagpapakita ng sintomas. Sa kasalukuyan, may mahigit 100,000 na testing kits na ang dumating mula sa ibang bansa para mapalawak ang testing sa Pilipinas.
Dagdag pa ni Duque, mahalagang maisalialim sa quarantine ang mga Pilipinong nagdadala ng novel coronavirus (NCoV) upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa mga pamayanan.
Image Source: www.cosmo.ph
Sa kasalukuyan, nangunguna ang Metro Manila sa dami ng kasong naiulat. Ang National Capital region ay nagtala ng 503 samantalang ang kabuuan ng Luzin ay nag-ulat ng 45. Anim naman ang natiyak na kaso sa Visayas at 12 sa Mindanao.
Ang Pilipinas ay pang-45 sa listahan ng mga bansang apektado ng COVID-19. Nangunguna ang Estados Unidos na may mahigit 85,000 na kaso.
Ang buong bansa ay opisyal nang dineklara ng gobyerno na nasa ilalim ng state of calamity. Ang bong Luzon ay kasalukuyang naka-lockdown at suspendido ang transportaong pampibliko.