Q: anong gagawin sa rashes na lumabas pagkatapos kumain ng matagal napreserve na isdang tambakol?
A: Ang pagkakaron ng rashes, pangangati, at pamisan, lagnat at hirap sa paghinga pagkatapos kumain ng isang pagkain na pwedeng matukoy na ‘salarin’ ay tinatawag na food allergy. Ang karamdamang ito ay dulot ng reaksyon ng katawan sa isa o ilang uri ng protina na natatagpuan sa pagkain. Ang allergy sa iba’t ibang uri ng isda, gaya ng daing, tuyo, at tambakol ay karaniwan, at hindi dapat ikabahala.
Kusang nawawala ang rashes na lumalabas dahil sa food allergy, subalit maaaring mapabilis ang pagkawala ng mga ito sa pamamagitan ng pag-inom ng antihistamine, isang uri ng gamot kontra allergy na pwedeng mabili ng hindi kinakailangan ng reseta ng doktor. Uminom rin ng maraming tubig.
Bagamat ang allergy sa pagkain ay pwedeng maituring ng isang karaniwan at simpleng karamdaman, ito’y pwedeng maging seryoso kung may kasamang hirap sa paghinga, pamamanas, mataas na lagnat at iba pang sintomas tuwing sinusumpong ang allergy. Kung ang mga ito ay nararamdaman, mas mabuti kung magpatingin sa doktor.
Tungkol naman sa pag-iwas sa mga food allergy, ang tanging paraan ay ang pag-iwas sa pagkain na may gawa nito.