Althea o Diane pills: Pampa-tanggal ng pimples?

 

Q: 22 years old po ako, may pimples po ako hindi tumitigil since high school. gusto ko po sana mag take ng pills para kuminis. pwede po ba ako magtake ng pills? at anong brand po? althea po ba? thanks!

A: Oo, maaaring mawala ang pimiples at mag-improve ang iyong balat kung gagamit ka ng pills, sapagkat ito’y isa sa mga side effects ng mga pills na tinatawag na “combination estrogen-progestin pills”, at kasama na dito ang Althea at Diane.

Subalit tandaan, hindi 100% sure na gagana ang mga ito laban sa acne. Ang pagkakaron ng pimples ay maraming dahilan; ang mga pills ay lumalaban lamang sa isa dito, at yun ay ang pagkakaron ng sebo sa balat. Posible rin na maghintay ka ng ilang mga buwan bago mo maranasan ang epektong ito ng mga pills.

Isa pa, may mga posibleng side effects rin ang mga pills, gaya ng sakit ng ulo, pamamaga sa suso, at pagbabago sa pag-regla. Kung ikaw ay may sakit sa puso o atay, at iba pa, hindi rin rekomendado na gumamit ka ng pills. Sa kabilang banda, ang pills ay isang mabisang paraan ng contraception at hindi ka mabubuntis habang ginagamit mo ito, ngunit hindi proteksyon ang pills laban sa mga STD.

Mas maganda kung magpatingin sa iyong doktor o gynecologist (OB-GYN) upang makasiguro.