Ayon sa World Health Organization, sa bansang Pakistan ay may sampung tao na namatay dahil sa isang ‘amoeba’ na umaatake sa utak, tinatawag na Naegleria fowleri. Ang mga kasong ito ay nangyari sa nakaraang mga buwan.
Ang mga ‘amoeba’ ay isang uri ng ‘parasite’. Sila rin ang responsable sa mas pamilyar na sakit na ‘amoebiasis‘, na siya namang nakakaapekto sa tiyan, bagamat ibang uri naman ito.
Ang Naegleria fowleri ay nakukuha sa pag-inom ng kontaminadong tubig. Dahil dito, sa kasalukuhan ay tinitiyak na ng mga awtoridad sa Pakistan na malinis ang inuming tubig sa mga residente sa syudad kung saan ang mga kaso ay naitala, sa Karachi.
Bihira lamang maka-apekto ang amoeba na ito sa utak o sa nervous system ng tao, ngungit kung ito’y mangyari, nakakamatay ito at mahirap gamutin. Ang mga sintomas ay lagnat, pagsusuka, pagkaliyo, stiff neck, at sakit ng ulo. Marami sa mga biktima ang namamatay ng 5-7 araw pagkatapos naramdaman ang mga sintomas.
Sa Pilipinas, ang mga kasong gaya nito ay bihirang-bihira. Ngunit dapat parin tayong maging maingat sa tubig na iniinom, sapagkat hindi lamang amoeba ang maaaring makuha dito, pati ibang mga sakit.