Bahagi na ng kultura natin na basta marinig pa lang ang salitang “cholesterol” ay todo na kung makaiwas. Iniisip kaagad na basta cholesterol, kadikit na kaagad nito ang mga sakit sa puso. Ngunit kaiba sa paniniwalang ito, hindi lahat ng cholesterol ay dapat iwasan at nakakasama sa kalusugan. Laging tatandaan na may dalawang uri ng cholesterol, ang isa ay masama, at ang isa pa ay mabuti. Kinakailangan ang tamang balanse sa pagitan ng dalawang uri ng cholesterol na ito upang magkaroon ng masigla at malusog na pamumuhay.
Upang mas maintindihan kaibahan ng mabuti at masamang cholesterol, narito ang depinisyon ng mga terminong medikal.
Image Source: www.gohealthuc.com
Low-density Lipoprotein (LDL)
Ang low-density lipoprotein o LDL, o mas kilala bilang masamang cholesterol, ang siyang dapat iwasan o limitahan sa mga pagkaing kinakain. Ito ang kilalang nagdudulot ng iba’t ibang sakit sa ating katawan partikular sa mga ugat ng dugo. Kung tataas nang husto ang lebel ng LDL sa katawan, maaaring mamuo ito sa mga ugat at magdulot ng pagbabara na hahantong naman sa stroke o atake sa puso.
Basahin kung sa anong mga pagkain maaaring makuha ang masamang cholesterol. Pagkain na mayaman sa masamang cholesterol.
High-density Lipoprotein (HDL)
Kabaligtaran ng LDL, ang HDL o high density lipoprotein, o mabuting cholesterol ang nagpapababa naman ng posibilidad ng pagkakaroon ng mga karamdaman. Hinihigop o iniipon nito ang masasamang cholesterol sa katawan at iniiwan sa atay upang mailabas ng katawan. Kinakailangan ang mataas na lebel na HDL upang manatiling malusog at masigla.
Basahin ang mga pagkain na makukuhanan ng mabuting cholesterol. Pagakin na nakakababa ng masamang cholesterol.