Mga benepisyo ng paghuhugas ng kamay
Ang paghuhugas ng kamay o handwashing ay isang gawaing pangkalusugan (health practice) at isang mahusay ng paraan upang makaiwas sa mga impeksyon o sakit na dulot ng mga mikrobyo gaya ng mga bacteria o virus. Tunay nga na ang paghuhugas ng kamay ay isang mabisang panlaban sa mga sakit gaya ng pagtatae (diarrhea), ubo’t sipon, trangkaso, at iba pa.
Kailan dapat maghugas ng kamay?
- Ugaliing maghugas ng kamay:
- Bago kumain ng umagahan, tanghalian, hapunan, o merienda
- Bago magsipilyo o manigarilyo
- Pagkatapos gamitin ang kasilyas o comfort room
- Pagkatapos umubo sa kamay
- Pagkatapos makipagtalik
- Pagkatapos manggaling sa isang sitwasyon o lugar na maraming tao gaya ng pagsakay sa MRT, LRT o pagpunta sa mga shopping mall o ospital.
- Kung ikaw ay nagtatrabaho as opsital, pagkatapos ng bawat engkwentro sa pasyente
- Kung ikaw ay nagtatrahabo sa kainan o humahawak ka ng pagkain, siguraduhing maghuhas rin ng kamay bago humawak ng pagkain.
Paano ang tamang paraan ng paghuhugas ng kamay?
Image Source: www.prnewswire.com
- Basain ang kamay ng tubig mula sa gripo
- Sabunin ang palad ng kamay ng masinsinan
- Kuskusin ang mga kamay, maging ang kamao at mga gilid at gitna ng mga daliri
- Ikuskos rin ang mga dulo ng daliri sa palad ng kabilang kamay
- Banlawan ng mabuti ang kamay
- Punasan ang mga kamay ng paper towel o hand dryer
Maaari bang gamitin ang hand sanitizer sa paghugas ng kamay?
Oo pwedeng gamitin ang hand sanitizer ngunit dapat siguraduhing may 60% o higit pang alcohol ang bibilhang hand sanitizer. Dapat mabasa ng hand sanitizer ang ang buong kamay at kuskusin ito hanggang matuyo.