Gaya ng an-an at buni, ang gamot sa alipunga ay mga fungal cream. Ang mga gamot na ito ay maaaring mabili na “Over the Counter” o hingi nangangailangan ng reseta ng doktor. Ipahid ang cream sa apektadong bahagi ng balat, ngunit mas maganda kung magagabayan parin ng dermatologist ang iyong paggagamot. Halimbawa ng generic name ng mga anti-fungal cream ay Ketoconazole, Clotrimazole, Terbinafine, atbp. Kalimitan, ito’y pinapahid dalawang beses isang araw sa loob ng 1-2 na linggo.
Kung hindi tumatalab ang mga fungal cream laban sa alipunga, maaaring magreseta ang dermatologist ng mas matapang na cream o kaya magbigay ng tableta na iniinom.