Sa ngayon ay wala pang gamot na makakapagpapaalis ng tuluyan sa allergy sa isang partikular na bagay, ang tanging mayroon lang ay mga gamot na maaaring makapagpahupa sa mga sintomas na maaaring maranasan. Ang mga gamot na ito ay maaring mabili ng over the counter sa mga butika, o kaya naman ay ireseta ng doktor. Ang gamutan ay depende rin sa kung anong reaksyon ang nararanasan, maaaring ito ay iniinom, pinapahid sa balat, pinapatak sa mata o tinuturok. Ang gamot na makatutulong sa pagpapabuti ng pakiramdam ay ang sumusunod:
- Antihistamine
- Decongestant
- Steroids
- Nasal allergy spray
Para naman sa mga grabeng sitwasyon at atake ng anaphylaxis, maaaring magbigay ang doktor ng epinephrine na tinuturok. Itinuturok ito upang pahupain ang sintomas habang dinadala sa ospital ang pasyente.
Upang mas makatiyak, maaaring kumunsulta sa doktor at humingi ng payo para sa nararansang allergy.