Sapagkat ang bangungot ay wala pang sapat na pag-aaral, wala pang mga tiyak na patakaran na mairerekomenda kung paano ito malulunasa. Ngunit ayon sa matatanda, kapag ang isang tao ay binabangungot, dapat siyang gisingin kaagad para makawala sa bangungot. Dapat rin daw niyang subukang igalaw ang daliri o anumang bahagi ng kanyang katawan para makatakas sa bangungot.
Bagaman walang pormal na patakaran, ang bangungot ay maaaring ituring na isang “medical emergency” at dapat humingi kaagad ng tulong, o dalhin kaagad ang taong binabangungot sa ospital. Kung ang bangungot ay tunay ngang “Brugada syndrome”, kailangang makita ang tibok ng puso sa ECG at gamutin kung kinakailangan.