Kapag ang pagkabulok ng ngipin o tooth decay ay nag-uumpisa pa lamang, ang pagsunod sa mga patakaran ng ‘dental hygiene’ o pag-aaalaga ng ngipin, ay maaaring maka-supil sa paglala ng bulok na ngipin. Kabilang dito ang pagsisipilyo ng 2-3 beses sa isang araw, pag-iwas sa pagkain ng mga matatamis gaya ng kendi, at taon-taon na check-up sa dentista.
Image Source: unsplash.com
Subalit kapag ito’y medyo malala na, ang karaniwang lunas ay ang paglilinis sa ngipin, gamit ng mga instrumento ng dentista, at ang pagpapasta ng mga bahagi ng ngipin na apektado. Ang mga materyal na gimagamit sa pagpapasta ay kamukha rin ng kulay ng ngipin, at parang simento ang mga ito na kapag naitapal ay matibay na didikit sa ngipin. Kung mas malala pa ang pagkabulok, maaaring maglagay ng ‘crown’ na nabalot sa ngipin upang hindi maapektuhan ang korte nito.
Sa mas malala pang mga bulok na ngipin, ang pagkabulok ay umabot na sa ugat ng ngipin, at kinakailangan nang gawin ang ‘root canal’ – isang proseso kung saan aalisin na ang ugat at iba pang buhay na bahagi ng ngipin, at ang ititira na lamang ay ang mismong ngipin na siyang pupunuin ng mga materyales na para ring yung mga ginagamit sa pasta. Kalimigan, nakaka-ilang balik ang mga pasyente sa dentista kung kailangang gawin ang ‘root canal’.
Kung sobrang lala na ng pagkabulok, o ayaw na ng pasyente ng gastos o hirap ng gamutan, pwede ring bunutin ang apektadong ngipin mismo.
Para naman sa kirot, pangingilo, o sakit na nararamdaman, ang pag-inom ng ‘pain relievers’ gaya ng Ibuprofen at Paracetamol ay maaaring inumin para maibsan ang sakit. Maaari ring resetahan ka ng antibiotics upang masupil ang mga mikrobyo na sanhi ng impeksyon sa loob ng ngipin.
Magkano ang magagasta sa gamutan sa bulok na ngipin?
Depende kung anong gagawin na gamutan. Sa mga private clinic, ang pagpapasta ay umaabot ng ilang daang piso bawat isa. Higit na mas mahal ang root canal, na umaabot ng ilang libong piso. Mas mura sa mga ospital na pampubliko. Pamahal ng pamahal ang gamutan kung palala ng pala ang bulok na ngipin, gaya mas magandang ito’y subukan na lamang na iwasan.