Sa mga unang antas ng sakit, malaki ang posibilidad na gumaling ang pasyente sa pamamagitang ng surgery o operasyon. Ang tumor na tumubo sa gilid ng bituka ay madali lamang tanggalin at kadalasa’y hndi na kailangan pang sabayan ng ibang gamutan.
Kung ang kanser naman ay nagsimula nang kumalat, binibigyan ng chemotherapy ang pasyente. Layunin ng chemotherapy na paliitin at pigilan ang pagdami ng cancer cells. Ginagamit din ang radiotherapy upang puksain ang mga kumakalat na tumor. Bagaman nakakatulong sa pagpigil ng kanser, ang chemotherapy at radiotherapy ay may ibang epekto sa katawan. Maari itong magdulot ng pagsusuka, pagkalagas ng buhok, at pagbawas ng timbang.
May posibilidad ba na manumbalik ang sakit matapos gumaling?
Mayroon. May malaking tsansa pa rin na manumbalik ang kanser kahit pa gumaling na sa naunang sakit lalo na kung ito ay umabot sa ikatlo o ikaapat na antas.