Bago simulan ang pag-inom ng gamot, makakatulong na sundin muna ang natural na pamamaraan upang maalis ang constipation. Ang mga hakbang na makakatulong ay ang sumusnod:
- Uminom ng karagdagang tubig araw-araw. Ang walong baso ng tubig kada araw ay maaaring dagdagan ng 2 hanggang 4 pang baso.
- Uminom ng maligamgam na tubig lalo na sa umaga
- Kumain ng mas maraming prutas at gulay. Ang mga prutas at gulay na mayaman sa fiber ay makakatulong sa mas mabilis na paglabas ng dumi.
- Mag-ehersisyo araw-araw. Ang karagdagang aktibidades ay makakatulong sa paggalaw ng mga muscles sa tiyan na makakatulong palabasin ang dumi.
- Huwag magpipigil ng pag-dumi. Kusang palabasin at huwag mamadaliin ang nararamdamang pagdudumi.
Makakatulong din ang pag-inom ng gamot o laxative upang masguminhawa ang pakiramdam at mapadali ang paglabas ng dumi. Tandaan lamang na kailangan ang gabay ng doktor sa pag-inom ng laxatives sapagkat kung mapapabayaan, maaring lumala ang kondisyon. Ang mga kadalasang epekto ng laxatives na gamot ay ang sumusunod:
- karagdagang laman at bigat sa dumi.
- gawing basa ang natutuyong dumi
- padulasin upang mas madaling mailabas
- palambutin ang tumigas na dumi
- Mag-stimulate ng pakiramdam ng pagdudumi
Sa mga malalang kaso at kung hindi umeepekto ang mga gamot na iniinom, maaaring magsagawa ng operasyon o surgery upang mailabas ang namuo at nanigas na dumi sa colon. Tandaan na ang dumi na hindi makalabas sa sistema ng tao ay makakasama.