Ano ang gamot sa Diphtheria?

Ang paggagamot sa sakit na diphtheria ay binubuo ng dalawang bahagi: 1. ang paggagamot sa lason ng bacteria, 2. pagpatay sa mga bacteria.

  1. Gamot na antitoxin o pantagal lason. Agad na binibigyan ng mga doktor ang pasyente na sinususpetsahan na may diphtheria. Ito ay itinuturok sa pasyente upang mawalan ng epekto ang lason na umiikot sa katawan.
  2. Mga antibiotic. Binibigyan din ng antibiotic, tulad ng penicillin at erythromycin, ang ang mga pasyenteng may diphtheria upang patayin ang mga bacteria na nagdudulot ng sakit. Sa pamamagitan din ng gamot na ito, nababawasan ang panahon na makakahawa ang sakit.

Ang mga pasyenteng ginagamot sa sakit na diphtheria ay kinakailangang manatili sa ospital sa buong haba ng panahon na sila ay may sakit. Maaari silang ihiwalay sa ibang mga pasyente at ipasok sa intensive care unit o ICU upang maiwasang makahawa.

Tinatanggal din ng doktor ang makapal na patong ng memebrane sa lalamunan ng pasyente lalo na kung nagiging sagabal ito sa paghinga.