Ano ang gamot sa galis sa balat?

Ang mga galis sa balat ay maaaring magamot sa tulong ng mga gamot na inirereseta ng doktor. Ang mga ito ay kadalasang pinapahid sa mga apektadong balat. Narito ang ilan sa mga gamot na madalas ireseta para sa paggagalis sa balat:

  • Permethrin. Maaaring gamitin ang permethrin sa balat mula leeg pababa sa katawan. Ito ay pinapahid lamang sa mga apektadong lugar at iniiwan sa balat nang buong magdamag bago hugasan at kadalasan isinasagawa sa loob ng isang linggo. Ito ang tinuturing na pinaka epektibong paraan ng pag-alis sa mga galis.
  • Lindane. Ang lindane ay parang lotion na pinapahid din sa apektadong balat. Ngunit dapat tandaan na ito ay maaaring madulot ng panginginig ng mga kalamnan (seizure) at ipinagbabawal sa buntis o sa nagpapasuso.
  • Ivermectin. Ang ivermectin ay iniinom na gamot para sa ilang kondisyon ng pagkakaroon ng parasitiko sa katawan kabilang na ang pagkakaroon ng galis.
  • Crotamiton. Ang gamot na ito naman ay pinapahid din sa apektadong balat para sa mga matatanda. Hindi ito rekomendado sa balat ng mga bata.
  • Sulfur. Ang sulfur na hinahalo sa cream ay mabisa at ligtas na paraan para maalis ang pananalasa ng mga kuto sa balat.
  • Diphenhydramine. Maaari ding gumamit diphenhydramine upang maibsan ang pangangati na nararanasan.