Ano ang gamot sa ganglion cyst?

Q: Ano ang gamot sa ganglion cyst?

A: Ang ganglion cyst ay isang bukol na parang butlig na karaniwang natatagpuan sa kamay. Good news: kung ang bukol ay talagang ganglion cyst, maaari itong mawala na lamang ng kusa! Halos kalahati ng mga kaso ng ganglion cyst ay ‘automatic’ na nawawala. Isa pa, kung wala namang sintomas na kasama ang ganglion cyst, hindi dapat mabahala; pwede itong hayaan na lamang.

Ngunit syempre kung ito ay nakakasagabal sa iyo at nais mong ipaalis, pwede itong alisin sa pamamagitan ng isang simpleng operasyon, na ang anesthesia ay dun lamang ituturok sa bahagi ng katawan na apektado. Maaari ring alisin ang ganglion cyst sa pamamagitan ng pagtusok nito gamit ang panturok at pagsipsip ng mga laman nito gamit ang karayom, at pagturok ng gamot upang hindi ito bumalik. Isangguni sa iyong doktor kung alin sa ito ay mas magandang gawin sa iyo, at kung anong mas abot-kaya.

Huwag tangkaing tusukin ang sarili mon ganglion cyst gamit ng karayom o ibang matulis na gamit, sapagkat maaaring mag-impeksyon o komplikasyon.