Kung ang kulugo ay walang idinudulot na kahit na anong pakiramdam, maaaring hindi na ito pakialaman, ngunit kung ito ay nagdudulot ng sintomas gaya ng pangangati, pagdurugo, o pananakit, nararapat lang na ito ay isailalim sa gamutan. Ang pagtanggal sa kulugo ay maaaring sa paraang pinapahid na gamot gaya ng imiquimod, podophyllin and podofilox, at trichloroacetic acid. Ang mga gamot na ito ay dapat isagawa lamang ng eksperto sapagkat may side effects na maaaring makasama o makairita sa balat sa paligid ng kulugo.
Bukod sa gamot na pinapahid, maaari din tanggalin ang kulugo sa pamamagitan ng ilang procedure. Maaari itong palamigin at patigasin gamit ang liquid nitrogen sa pamamagitan ng cryotherapy. Pwede din itong sunugin sa pamamagitan ng kuyente o electrocautery, o kaya naman ay sunugin gamit ang laser. Puwede rin itong tanggalin sa pamamagitan ng simpleng operasyon.