Ang paggagamot sa sakit na GERD ay nagsismula sa pag-inom ng mga gamot na nabibiling over-the-counter sa mga butika. Kabilang sa mga iniinom na gamot ay ang mga antacid tulad ng Kremil-S, Gaviscon at Maalox, mga gamot na nakapagpapababa ng produksyon ng asido sa sikmura gaya ng Ranitidine, at mga gamot na pumipigil sa produksyon ng asido sa simkura gaya ng Omeprazole. Kung ang mga gamot na ito ay hindi nakatutulong na maibsan ang mga sintomas na nararanasan, makabubuting magpatingin na sa doktor upang mabigyan ng mas malakas na gamot, o kaya ay magabayan sa ibang paraan ng gamutan gaya ng operasyon. Ang operasyon ay isinasagawa upang palakasin at dagdagan pa ang mala-singsing na humaharang sa pagitan ng tiyan at esophagus.