Ano ang gamot sa hadhad o jock itch?

Dahil ang sanhi ng hadhad ay fungus, ang mga antifungal cream gaya ng Ketaconazole o Terbinafine ay epektibo dito. Ang mga cream na ito ay ipinapahid sa apektadong bahagi sa loob ng lima hangang sampung araw. Dahil ang hadhad ay lumalaganap sa mabanas at basang bahagi ng katawan, iwasan ang mga sitwasyong ito. Panatilihing malinis, tuyo at maaliwalas ang singit sa pamamagitan ng paliligo araw-araw (at pagkatapos ng trabaho), madalas na pagpapalit ng damit at pagsusuot ng maluwag na damit (maaaring mag-boxer shorts muna kaysa brief, para sa mga kalalakihan)

Gaanong katagal bago gumaling ang hadhad?

Sa wastong gamutan gamit ang antifungal cream, ilang araw lamang ay makakakita na ng pagbabago, at maguumpisa ng mawala ang hadhad. Maaaring abutin ng 1-2 linggo bago tuluyang mawala ang hadhad. Kung ito’y hindi parin gumagaling sa kabila nang pag-gamit ng cream, magpakonsulta sa dermatologist o sinumang doktor upang mabigyan ng karagdagang gamot o iba pang solusyon sa iyong karamdaman.