Dahil ito ay tinuturing na sintomas ng ibang sakit, makabubuting malaman muna kung anong sakit ang nakapagdudulot ng impatso. Ang gamutan ay nakadepende sa kung anong sakit ito. Kadalasan, ang impatso ay kusang nawawala kahit walang iniinom na gamot matapos ang ilang oras ng pananakit. Subalit kung ang impatso ay matagal, mas masakit at pabalik-balik, kinakailangan magpatinging sa doktor. Upang maibsan ang pananakit, maaaring gawin ang sumusunod:
- Marahang pagnguya sa pagkain.
- Iwasang magsalita habang kumakain upang maiwasan ang pagpasok ng sobrang hangin sa tiyan.
- uminom matapos kumain
- Iwasang kumain sa kalaliman ng gabi.
- Magpahinga matapos kumain
- Umiwas sa maaanghang na pagkain
- Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak.