Ano ang gamot sa Ketong?

Ang ketong ay nagagamot, taliwas sa paniniwala ng ilan na ito ay sumpa na pang-habang buhay nang karamdaman. Nagagamot ang sakit na ito sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pag-inom ng mga antibiotic. Ang tawag sa paggagamot sa mga pasyenteng may ketong ay Multi-Drug Therapy (MDT) kung saan maaaring bigyan ng kombinasyon ng mga sumusunod na antibiotic:

Ang dami ng pag-inom, haba ng panahon ng pag-iinom, at kombinasyon ng mga antibiotic na iinumin ay depende sa uri at lala ng sakit na dinaranas ng pasyente. Alalahanin na ang MDT ay libreng binibigay sa mga health center sa buong bansa.