Dahil ang pagiging anak-araw ay isang karamdamang nakaapekto sa genes ng tao, limitado o halos walang lunas para dito. Ang mahalagang bigyan ng pansin lamang ay ang mga komplikasyon na posibleng kahantungan ng pagkakaroon ng sakit na ito.
- Para sa mga kondisyon sa paningin, maaaring dapat ay bigyan ng nararapat na salamin o lente ang mata para maging mas maayos ang paningin.
- Maaring kinakailangan din ang regular na pagpapatingin ng balat sa pagkakaroon ng skin cancer, dahil higit na mataas ang panganib ng pagkakaroon ng kanser sa balat dahil sa pagiging anak-araw.
- Kinakailangan ding suportahan ng mga kapamilya at kaibigan ang taong may kondisyon ng albinsim upang maiwasan ang emosyonal na problema na dulot din ng pagkakaroon ng sakit na ito.