Simple lang din ang gamutan sa kuliti at kadalasa’y makikita sa bahay ang solusyon.
- Pagsasagawa ng hot compress sa apektadong mata. Dahil sa init, maaari magbukas ang mga baradong pores sa talukap ng mata at makakatulong mabilisang paggaling
- Paglalagay ng gamot na mabibiling “over the counter”. May mga ointment na maaring ipahid sa kuliti.
- Pabayaan lang ang kuliti na pumutok ng kusa.
- Iwasan ang paglalagay ng kolorete o make-up sa apektadong bahagi ng mata.
Kung ang kuliti ay hindi gumagaling sa simpleng gamutan sa bahay, agad nang ipatingin sa doktor. Maaring magbigay ng preskripsyon na antibiotics, ointment, o gamot na pinapatak sa mata. Mainam din ang antibiotic na iniinom para sa kuliti na malala at kumalat sa mata.