Dahil karamihan ng kaso ng bad breath o mabahong hininga ay nagmumula sa mga bacteria sa ilalim ng dila, ang pagsisipilyo sa dila ay ang pinakamabisang paraan upang magamot ang bad breath. Siguraduhin din na nasisipilyo ang iba pang bahagi ng bibig. Maaaring samahan ng mouthwash at paggamit ng dental floss ang pagsisipilyo upang mas makasigurong malinis ang bibig. Tandaan na regular at kumpleto dapat ang pagsisipilyo para ito’y maging epektibo. Ang pagmumumog gamit ang mouthwash bago matulog ay epektibo rin sa pagbawas ng mabahong hininga o bad breath. Ang pagnguya ng chewing gum ay maaari ring makabawas sa bacteriang sanhi ng bad breath sa pamamagitan ng pagpapadami ng laway sa bibig: ang laway ay nakakatulong sa paglinis ng bibig at nakakabawas sa bacteria.
Kung ang mabahong hininga ay dulot ng ibang karamdaman sa bibig at kondisyon sa katawan. Marapat lang na ipatingin ito sa doktor upang mabigyan ng karampatang lunas.