Magpasahanggang-ngayon, wala pang epektibong lunas na makapagpapagaling sa impeksyon ng sakit na mad cow disease sa mga tao. Ilang ulit nang pinag-aaralan ng mga mananaliksik ang epkto ng iba’t ibang gamot sa sakit na ito, ngunit wala pa ring positibong resulta mula sa mga ito. Kaya naman, ang tanging magagawa lamang ay ang pangangalaga sa mga may sakit para maibsan ang mga sintomas na nararanasan, lalo na sa huling antas ng sakit kung kailan halos hindi na gumagana ang utak. Narito ang ilang mga hakbang na makatutulong sa taong nasa huling antas ng sakit na vCJD.
- Madalas na pagpapalit ng damit at pag-iiba ng posisyon ng pagkakahiga ng pasyente para maiwasan ang bed sores.
- Paggamit ng catheter para sa kawalan ng abilidad na maka-ihi
- Dextrose para sa pasyenteng hindi na makakain.