Ang paggagamot sa sakit na malaria ay nakadepende sa sumusunod:
- Anong uri ng parasitikong Plasmodium ang nagdudulot ng malaria
- Kung gaano kalala ang kondisyon ng sakit
- Saang lugar maaaring nakuha ang sakit
- Edad
- Nagbubuntis
Ang mga karaniwang gamot naman na binibigay para sa sakit na malaria ay ang sumusunod:
- Chloroquine
- Quinine sulfate
- Hydroxychloroquine
- Mefloquine
- Kombinasyon ng atovaquone at proguani
Ang paggagamot din ay maaaring maiba-iba depende sa resistensya ng parasitikong nakaaapekto sa pasyente. May ilang uri kasi ng Plasmodium na nakabuo ng resistensya sa gamot na chloroquine sa paglipas ng panahon at kinakailangan nang mabigyan ng ibang gamot.
Habang ginagamot, kadalasan ay susuriin ng doktor ang dugo araw-araw upang mabantayan ang progreso ng paggaling. Kung epektibo ang naging gamutan at wala naman komplikasyon na nakuha mula sa paggagamot, ang mga sintomas na dulot ng malaria ay kadalasang nawawala na sa loob ng 48 oras, at tuluyan nang mawawala ang parasitiko sa loob ng 2 hanggang 3 araw.