Kung ang Meningococcemia ay matutukoy nang maaaga, malaki ang posibilidad na magamot at malampasan ang sakit. Kadalasan ay nadadala ito sa paggagamot gamit ang mga iba’t ibang uri ng penicillin, at chloramphenicol naman kung may allergy sa penicillin. Ngunti kung ang impeksyon ay malala at kumalat na sa katawan, ito ay mangangailangan na ng agarang paggagamot (medikal emergency). Ang pasyente ay agad na dinadala sa intensive care unit o ICU ng ospital kung saan ang pasyente ay matututukan.
Ang paggagamot sa pasyenteng may menigococcemia sa binubuo ng sumusunod:
- Agad na pagbibigay ng malalakas na antibiotic na pinapadaan sa ugat o intravenous (IV)
- Suporta sa paghinga
- Gamot na tutulong sa pamumuo ng dugo at pagdaragdag ng mga nawalang platelets
- Pagdaragdag ng tubig sa katawan na pinapadaan din sa ugat o intravenous
- Gamot para sa mababang presyon ng dugo
- Pangangalaga sa mga sugat sa katawan