Ang pagdurugo ng ilong ay isang karaniwang kondisyon na madali naman maibsan at malunasan kahit nasa bahay lang. Dapat lang sundin ng tama ang mga hakbang sa First Aid para sa pagdurugo ng ilong:
- Umupo at bahagyang yumuko upang mapigilan ang pag-agos ng dugo. Mahalagang mas mataas ang ilong kaysa sa puso upang mapigilan ang patuloy na pag-durugo.
- Ipitin gamit ang mga daliri o malinis na bulak ang bahagi ng ilong na dumudugo. Gawin ito hanggang sa tumigil sa paglabas ang dugo.
- Tapalan ng yelo ang bahagi ng ilong na dumudugo.
Ang simpleng pagdurugo ay kadalasang hindi na nangangailangan ng atensyon mula sa doktor, ngunit kung ang pagdurugo ay dahil sa nasirang ugat o sugat sa loob ng ilong, maari itong ipatingin upang mabigyan ng lunas.