Ang paggagamot sa iba’t ibang kondisyon ng problema sa mata ay naiiba-iba depende sa sanhi ng pagkabulag o panlalabo ng paningin. Narito ang mga karaniwang paraan ng paggagamot sa mata:
- Ang mga simpleng panalalabo ng paningin ay maaaring malunasan sa pamamagitan ng pagsusuot ng salamin sa mata na may tamang sukat.
- Ang katarata naman ay nangangailangan ng operasyon upang malunasan.
- Kung ang pagkabulag ay dulot naman ng kakulangan sa mahalagang bitamina, nararapat lamang na agad na mapunan ang pagkukulang sa sustansya na kinakailangan sa pamamagitan ng pagkain nang sapat at pag-inom ng mga supplement.
- May mga gamot naman na iniinom o pinapatak sa mata na makatutulong naman kung ang problema sa mata ay dulot ng impeksyon.