Speech therapy: lunas sa pagkabulol
Ang paraan para mawala ang pagkabulol ay ang pagsasagawa ng speech therapy o speech and language therapy (SLT). Maraming iba’t ibang uri ng therapy. Ang layunin nila ang matutunan ng pasyente ang taming pagbigkas sa pamamagitan ng pagtukoy ng tamang pagbigkas, pagkokompara nito sa maling bigkas, pagsusubok na pagbigkas sa iba’t ibang mga tunog at kataga, at tuloy-tuloy na pagpapraktis.
Gaanong katagal gagawin ang speech therapy?
Depende ito sa problema, at depende rin kung gaanong kabilis matuto ang pasyente. Maaaring tumagal ang therapy ng wala pang isang buwan ngunit maaari din itong umabot ng ilang taon. Para mapabilis, mahalaga ang pagiging tuloy tuloy ng therapy at pagiging masipag praktisin ang mga speech exercises na ibibilin ng inyong speech therapist.