Ang mga simpleng kaso ng pananakit ng leeg o stiff neck ay maaring maibsan sa pamamagitan ng ilang hakbang na madali namang gawin sa bahay lang. Narito ang ilan dito:
- Maglagay ng cold compress o magtapal ng yelo sa bahagi na sumasakit. Maaaring itong gawin ng 2-4 na beses sa isang araw upang maiwasan ang pamamaga at patuloy na pananakit. Makakatulong din kung mamasahehin ang bahaging nananakit gamit ang yelo.
- Magpamasahe sa lugar na masakit upang padaluyin ang dugo sa lugar na ito.
- Kung wala na ang pamamaga, lagyan naman ng mainit o hot compress.
- Iwasan muna ang mga gawain na maaaring makapagod sa leeg.
Bukod sa mga hakbang na ito, maaari ding inuman ng gamot ang pananakit. Maaaring uminom ng Ibuprofen, Naproxen, Aspirin at Acetaminophen. Ang mga gamot na ito ay maaaring mabili na over the counter sa mga butika.