Ano ang gamot sa pangangati ng itlog ng lalaki?

Q: ano ang gamot sa pangangati sa itlog at singit sa ari ng lalaki yung hindi herbal

A: Ang pangangati sa bayag ng lalaki (scrotal itch) ay isang karaniwang kondisyon ang gamot dito ay nakapdepende sa sanhi. Ang dalawang kadalasang sanhi ng pangangati ng ilog ay isang fungal infection gaya ng hadhad, o isang allergy. Ang maselang bahagi ng katawan ng lalaki ay sensitibo sa pagbabago sa temperatura at dahil ito’y madalas ding nababasa, ito’y isang lugar kung saan pwedeng tumubo ang mga fungus, na syang sanhi ng hadhad o jock itch, na sya namang pwede ring dumapo sa itlog, hindi lang sa singit. Kung allergy nanman, ito’y iritasyon sa tela o kemikal.

Image Source: www.freepik.com

Narito ang ilang mga hakbang na pwedeng gawin upang maiwasan ang pangangati:

  1. Huwag kamutin ang apektadong lugar, sapagkat lalong lalala ang pangangati kung ito’y kakamutin. OO, ALAM KO NA MAHIRAP PIGILAN NA MAGKAMOT pero dapat talagang iwasan.
  2. Panatilihing tuyo ang lugar at huwag magsuot ng masikip na brief para ‘mahakinga’ naman ang iyong mga maselang bahagi.
  3. Iwasang magpahid ng kung ano-anong cream, lotion, o powder sa itlog sapagkat baka ang mga kemikal na sangkap sa mga ito ang sanhi ng iritasyon ng balat. Iwasan ding ahitin ang bulbol o pubic hair sapagkat ang pag-aahit ay pwede ring magsanhi ng iritasyon.
  4. Gumamit lamang ng mild soap sa paliligo, at siguraduhing maligo pagkatapos magtrabaho o mag-exercise. Huwag hayaang mabasa ang bayag at singit.
  5. Tingnan ang artikulong “Hadhad: Sanhi, Sintomas, Gamot” sa Kalusugan.PH. Kung ikaw ay may hadhad, gumamit ng angkop ng cream (Terbinafine o Ketaconazole) upang masupil ang fungi na may dala nito.
  6. Kung hindi parin nawawala ang pangangati at kung may iba pang sintomas bukod dito, magpatingin na sa doktor.