Ang pasma o muscle spasm ay maaaring malunasan sa pamamagitan ng ilang pamamaraan. Ang ilan ay sumusunod:
- Pag-inom ng pain relievers – Mga gamot gaya ng Ibuprofen, Paracetamol, at Mefenamic Acid ay maaaring makatulong na mawala sa kirot at iba pang pakiramdam na iniuugnay sa pasma.
- Hilot o massage – Ang pag-hilot o pag-haplos sa apektadong bahagi ng katawan ay nakaka-relax sa mga kalamnan at maaaring magpabuti sa pakiramdam ng pasma. Maaaring gamitin ang Efficasent Oil o anumang liniment / ointment sa paghilot.
- Ipahinga ang pasmadong bahagi ng katawan – Dahil pag nagpahinga, marerelax ang bahagi ng katawan na may pasma.