Dahil sa ngayon ay wala pang gamot na direktang makapagpapagaling sa impeksyon ng polio virus, ang gamutan sa sakit na polio ay nakasentro sa pangangalaga, sapat na pagpapahinga, at pagbibigay lunas sa mga sintomas na maaaring maranasan. Ang sakit na polio, tulad din ng ibang sakit na dulot ng virus, ay kusang gumagaling sa oras na magkaroon ng resistensya ang katawan sa polio virus.
Narito ang ilan sa mga hakbang na makatutulong sa mabilis na paggaling ng pasyenteng may polio:
- Sapat na pahinga sa kama
- Pag-inom ng mga gamot na pantagal ng pananakit
- Mga aparato na tutulong sa paghinga ng pasyente
- Pag-eehersisyo upang maiwasan ang pagbabagong pisikal sa anyo ng mga kalamnan
- Sapat na pagkain na masusustansya