Sa ngayon, wala pang gamot ang natutukoy na makapagpapagaling sa mismong sakit na Psoriasis. Ang tanging ginagamot lamang ay ang mga sintomas na nararanasan. Ang mga kadalasang gamot para sa psoriasis ay pinapahid na cream o ointment, gamot na iniinom, pati na ang phototherapy. Layunin ng mga gamot na ito na kontrolin ang mga sintomas na nararanasan sa balat. Tumutulong ito na pabagalin ang mabilis na pagpapalit ng mga skin cells, gayun din ang pamumula at pangangapal ng balat. Ang paggagamot sa mga sintomas ng sakit na ito ay nakadepende din sa kung ano ang uri at antas ng psoriasis.
Narito ang ilan sa mga kadalasang ginagawa sa pasyenteng may psoriasis:
- lotion, ointment at cream pinapahid sa apektadong balat
- shampoo at oil para sa apektadong anit
- makakatulong din ang minsanang pagbibilad sa araw