Ano ang gamot sa pulmonya o pneumonia?

Ano ang mga gamot para sa pulmonya?

Para sa pulmonyang dulot ng bacteria (bacterial pneumonia), ang pag-inom ng mga antibiotics ang pinakamahalagang gamot. Naka-depende ang klase ng antibiotics sa uri ng bacteria na pinaghinilaang sanhi ng pulmonya. Hayaang ang doktor ang mag-reseta ng angkop ng antibiotics. Ang pag-inom ng paracetamol ay rekomendado din para pababain ang lagnat ng mga pasyenteng may pulmonya.

Merong bang mga herbal na gamot para sa pulmonya?

Dahil ang pulmonya ay dala ng bacteria at maaari itong lumala, hindi rekomendado na iasa lamang sa mga herbal na gamot ang sakit na ito. Subalit, bukod sa antibiotics, maaaring makatulong ang pag-inom ng lagundi at oregano.

Bukod sa gamot, ano pa ang dapat gawin para sa pulmonya?

Kailangang magpahinga ang pasyente ang uminom ng maraming tubig. Ang pag-inom ng mga mainit-init na sabaw, tsaa, kalamansi juice, at iba pang inumin ay maaari ding makatulong.

Paano kung hindi parin gumagaling ang pulmonya kahit uminom na ng gamot?

Kapag hindi bumuti ang lagay ng pasyente sa loob ng tatlong araw, magpatingin na ulit sa doktor. Maaaring kailanganin i-confine ang pasyente para mas matutukan ang gamutan, mabigyan ng mga fluids ang katawan, makapahinga ng maayos, at mas ma-monitor ang mga sintomas.