Sa kasalukuyan, wala pang nadidiskubreng gamot laban sa Ebola, kaya ang ginagawa sa mga may sakit na ito ay ang pagsuporta sa pasyente (supportive therapy). Kabilang sa mga hakbang na gagawin:
- Imomonitor at sisiguraduhing sapat ang tubig at sustansya sa katawan ng pasyente
- Imomonitor at sisiguraduhing sapat ang dugo at presyon ng pasyente
- Titiyakin na nabibigyan ng angkop na gamot kung may iba pang natukoy na pagkakasakit