Ano ang gamot sa sakit ng tiyan?

Q: Ano po ang tamang gamot sa sakit ng tiyan dahil sa sobra at kung ano ano kinakain?

A: Ang pananakit ng tiyan dahil sa “pagkasira ng tiyan” o dahil sa kung ano-anong kinain ay hindi ginagamot sa pamamagitan ng pag-inom ng anumang gamot. Sa halip, hinahayaan lamang na “ilabas” ng kusa ng katawan ay anumang nakasira sa tiyan. Ang prosesong ito ay pwedeng matulungan ng mga sumusunod:

  • Pag-inom ng maraming tubig
  • Pag-iwas sa kape, softdrinks, alak, at gatas
  • Mga okay na kainin: Saging, kanin, tinapay, sabaw
  • Mga okay na inumin: Tubig, tsaang gubat

Magpatingin sa doktor kung sa loob ng tatlong araw ay hindi pa bumubuti ng lagay ng tiyan, kung hindi na makakain, o kung magkaron ng iba pang sintomas gaya ng pagsusuka, lagnat, hilo.