Q: Ano ang gamot sa sakit sa ngipin o toothache?
A: Kapag ang iyong ngipin ay sumasakit, lalo na kung ito’y lumalala kapag kumakain o umiinom ka ng malamig, isa sa posibleng sanhi ay ang pagkakaron ng bulok na ngipin o tooth decay. Tingnan ang serye ng artikulo tungkol sa tooth decay sa Mediko.PH.
Posible rin ang pagkakaroon ng impeksyon sa ngipin. Maganda kung masusuri ng dentista ang iyong ngipin upang ma-exaine sa iyong ngipin at mabigyan ka ng reseta, na maaaring binubuo ng mga pain reliever at antibiotics.
Habang hindi ka pa nakakapagpatingin, pwede kang uminom ng mga over-the-counter na pain reliever gaya ng Ibuprofen at Paracetamol upang maibsan ang pananakit. Umiwas sa pag-inom o pagkain ng malalamig o sobrang tamis, o mga matitigas na pagkain.