Q: ano po ang gamot sa sobrang pagpapawis ng buong katawan? konting galaw ko lng po sobrang pinagpapawisan npo ako. salamat po
A: May sinagot akong tanong na parang ganyan, basahin ang tanong at aking sagot sa artikulong “Ano ang gamot sa sobrang pagpapawis ng kilikili”. Sa tingin ko marami kang mapupulot sa maikling artikulong iyon.
Bukod sa nabanggit ko doon, gusto ko ring idagdag na kapag sobra ang inom mo ng tubig, mas lalo kang papawisan. Bagamat magandang uminom ng marami, kung ikaw ay sobrang pinapawisan, pwede mo ring bawasan ang iyong pag-inom ng tubig at iba pang inumin.
Ang ilang solusyon sa sobrang pagpapawis ay hindi medikal kundi praktikal, gaya ng pagbabago sa paraan ng pananamit. Kung ikaw ay dito nakatira sa Pilipinas, hindi angkop ang sobrang kapal ng tela, at kung maaring magsuot ng mas maaliwalas na kasuotan, ito ay makakatulong rin.