Ano ang gamot sa tetano?

Ang gamutan sa impeksyon ng tetano ay nahahati sa tatlo. Una a ang paglilinis ng sugat upang matigil ang produksyon ng lason, ikalawa ay tanggalin ang epekto ng lason sa katawan, at ang ikatlo ay kontrolin ang pangingisay at paninigas ng mga kalamnan. Ang pasyente ay binibigyan ng antitoxin, upang agad na mapawala ang epekto ng lason sa katawan. Kasabay nito’y pinapainom o kaya’y tinuturukan ng antibiotics upang mapatay ang mga bacteriang nagdudulot ng impeksyon. Maaari ding bigyan ng mga pampakalma ang mga pasyenteng nagkakaroon ng pangingisay at paninigas ng kalamnan. Dahil apektado rin ang daluyan ng paghinga, ginagamitan din ng respirator ang pasyente upang tulungan sa paghinga. Sa oras na matanggal na ang lason ng tetano sa katawan, kinakailangan pa rin mabigyang muli ng bakuna ang pasyente. At ulitin ito kada 5 taon.