Ang gamutan sa tagihawat ay nakadepende sa kung gaano kalala ang kaso nito. Kadalasan ang gamot ay ipinapahid gaya ng gel o lotion, ngunit mayroon din namang mga gamot na iniinom o oral medicines.
Sa mga hindi malalang kaso ng pimple, kaya nang gamutin sa bahay gamit ang benzoyl peroxide o salisylic acid. Pinapahid ang mga ito sa apektadong bahagi ng balat. Ang paghuhugas sa mukha gamit ang banayad na sabon may makakatulong din.
Kung ang tagihawat naman ay malala, tumatagal at nakapagdudulot na ng sugat, kinakailangan nang magpatingin sa doctor. Ang kadalasang binibigay na gamot ay antibiotics na maaring pinapahid o iniinom. Epektibo din ang azelaic acid. Ang dermatologist ay may ilan ding isinasagawang treatment upang matigil ang pagdami ng tagihawat.