Ano ang gamot sa tonsilitis?

Bago gamutin ang tonsilitis, kailangan munang matukoy kung ano ang nakapagdulot ng impeksyon, kung ito ba’y bacterial o viral infection. Kung bacterial, antibiotic ang mabisang gamot. Kadalasang gumagaling ang bacterial infection matapos 10 araw ng gamutan. Kung ang sanhi naman virus, hinahayaan lang ito sapagkat may kakayanan ang katawan na labanan ito ng mag-isa. Kinakailangan laman alagaan ang sarili upang maibsan ang pakiramdam. Narito ang ilang hakbang para maibsan ang pananakit na dulot ng tonsilitis:

  • Tamang pahinga
  • Uminom ng maligamgam na tubig
  • Kumain ng malalambot na pagkain na madaling lunokin
  • Magmumog ng  tubig na may asin
  • Sumipsip ng lozenge gaya ng strepsil
  • Maaari ring uminom ng pain reliever, gaya ng ibuprofen

Kung ang tonsilitis ay pabalik-balik at tumatagal, lalo na kung naaapektohan na ang daluyan ng paghinga, maaring ikonsidera ang operasyon at tuluyang tanggalin ang mga tonsils. Ang operasyon na ito at tinatawag na tonsillectomy.