Mahalagang magamot kaagad ang mga kaso ng ulcer nang hindi ito humantong sa mas seryosong komplikasyon. Ang gamutan ay maaaring sa pag-inom ng gamot, pagbabago sa mga nakagawian, o sa mga malalalang kaso ay surgery. Ang mga iniinom na gamot ay depende din sa kung ano ang dahilan ng ulcer sa tiyan:
- Mga gamot na antibiotic laban sa H. pylori.
- Mga gamot na pumipigil pagdaragdag ng asido sa tiyan.
- Mga gamot na antacids upang mabawasan ang tapang ng asido sa tiyan.
- Mga gamot na nakatutulong protektahan ang mga pader ng mga daluyan ng pagkain.
Lumapit lamang sa doktor o sa gastroenterologist, ang spesyalista sa mga karamdaman sa tiyan,upang malaman kung ano ang nararapat na gamot para sa kaso ng ulcer sa tiyan.