Ano ang Kalusugan?

Ano nga ba ang ibig-sabihin o kahulugan ng kalusugan? Nakagisnan na natin ang kapag sinabing “Kalusugan” o health ay nangangahulugan ng pagkawala ng sakit o anumang karamdaman. Ang taong nasa mabuting kalusugan ay isang taong walang sakit.

Ngunit hindi ito ang buong kahulugan ng kalusugan! Tulad narin ng wika ng WHO o World Health Organization, ang kalusugan ay ang isang estado ng pagiging masigla ang isip, katawan, at pakikitungo sa iba. Hindi ito simpleng kawalan lamang ng sakit, kapansanan, o iba pang karamdaman.

Ang kalusugan ay isang ring karapatan ng bawat tao sa buong mundo. Dapat tayong makipagtulungan upang maatim ang isang estado na magpapahintulot sa katuparan ng kahulugan ng kalusugan na ating nabanggit.

Pang-huli, ang kalusugan ay isang responsibilidad ng bawat isa sa sarili at sa kapwa. Pangalagaan ang iyong kalusugan para sa kapakanan mo at ng iyong pamilya. Huwag rin ikompromiso ang kalusugan ng kapwa sa pamamagitan ng mga bagay na hindi nakakabuti sa katawan gaya ng paninigarilyo at drugs.