Ano ang maaaring epekto sa kalusugan ng hindi pagkain ng karne?

Ang konsepto ng pagiging vegetarian ay hindi na bago sa pandinig ng mga Pilipino. Sa katunayan, marami na ang naengganyo na yakapin ang ganitong istilo ng pamumuhay sa paniniwalang nakatutulong ito bilang protesta laban sa pagkitil ng buhay ng mga hayop para magsilbing pagkain ng tao. Ngunit higit na mahalaga dito, naniniwala silang ito ang mas mabuting paraan ng pagpapanatili ng mabuting kalusugan. At marami nang pag-aaaral ang isinagawa at nakapagpatunay ng benepisyong ito.

Ngunit sa kabila nito, may mga tanong pa rin sa isipan ng marami, lalo na sa mga taong kumakain pa rin ng karne, kung ano ang maaaring mabuti at masamang epekto sa kalusugan ng hindi pagkain ng iba’t ibang uri ng karne. Lalo pa’t ang alam ng karamihan ay sa mga pagkaing ito lamang makukuha ang isa sa mga pinakamahalagang sustansya na kailangan ng katawan, ang protina. Basahin ang mga alternatibong pagkain na makukuhanan pa rin ng protina bukod sa karne: Alternatibong mapagkukunan ng protina. Tunghayan sa Kalusugan.Ph ang mga kasagutan sa mga katanungang ito.

masusutansyang pagkain

Mabubuting epekto sa kalusugan ng hindi pagkain ng karne

1. Mas malaking posibilidad na makaiwas sa ilang malulubhang sakit.

Ayon sa maraming mga pag-aaral, ang isa sa mga pinakamahalagang benepisyo ng pag-aalis ng karne sa pagkain ay ang pagpapababa nito sa posibilidad ng pagkakahawa o pagkakadanas ng ilang seryosong mga sakit. Ito ay dahil raw sa malaking kabawasan sa ilang mga substansyang makukuha sa pagkain ng karne na maaaring may masamang epekto sa kalusugan. Kabilang sa mga tinutukoy na maaaring makasamang substansyang makukuha sa karne ay ang namumuong taba, cholesterol, at maging ang protina at iron na nagmumula sa mga hayop.

Dahil sa mga ito, malaki ang posibilidad na malayo sa mga sakit gaya ng altapresyon, atake sa puso, stoke, problema sa bato, hirap sa pagdudumi, kanser, diabetes, at marami pang iba,

2. Mas epektibong paggagamot sa ilang mga malulubhang karamdaman

Taglay ng maraming klase ng mga gulay at prutas ang ilang uri ng napapakahalagang mga kemikal at sustansya na kinakailangan para mas tumaas ang posibilidad na gumaling mula sa mga malulubhang karamdaman. Ang maraming uri ng bitamina, mga phytochemicals, fiber, at antioxidants ay madaling makukuha mula sa mga prutas at gulay.

3. Mas balanseng timbang

Makikita rin sa hubog ng katawan ng karamihan sa mga vegetarian na sila’y mas siksik at matipuno kung ikukumpara sa ibang mga taong walang kontrol sa kinakain. Malaki kasi ang naitutulong ng mga prutas at gulay sa maayos na pagpapanatili ng balanseng timbang at pag-iwas sa sobrang katabaan o obesity.

4. Mas mahabang buhay.

Maraming mga pag-aaran na rin ang nakapagpatunay na ang pagdikit sa mga gulay at prutas ay nakapagpapahaba ng buhay. Dahil ito siyempre sa mga naunang benepisyong nabanggit, kung malalayo sa mga sakit, tiyak na mas hahaba ang buhay.

Hindi mabuting epekto ng pag-alis ng karne sa kinakain araw-raw

Ang mga hind mabuting epekto na konektado sa pag-aalis ng karne sa kinakain ay nakasentro sa kakulangan ng ilang mga sustansyang mahalaga sa maayos na paggana ng katawan. Ito ay partikular sa sustansang gaya ng mga sumusunod:

Bagaman ang mga kakulangang ito ay maaari rin namang mapunan kung tutumbasan ang tinanggal na karne sa kinakain ng mga gulay at prutas na mayaman din naman sa mga nabanggit na sustansya. Kinakailangan lang maging wais at maalam lalo na sa pamimili ng pagkain.