Ano ang mga dapat na laman ng First Aid Kit

Mahalaga na mayroong First Aid Kit ang bawat pamilya ng bawat pamayanan. Hindi man nito maaagapan ang isang sakuna, makatutulong naman ito na pagaanin ang pakiramdam, o maiwasan ang mas grabeng pinsala ng isang aksidente.Upang maging mas epektibo at kapakipakinabang, siguraduhin na ang first aid kit ay kumpleto, nasa lugar na madaling maabot, mayroon sa bahay at sa sasakyan, laging dala sa mga paglalakbay. Maaari itong bilihin ng isang buo sa mga drug store at red cross, o kaya naman ay bilhin isa-isa at bumuo ng sariling first aid kit.

Ano ang mga katangian ng isang epektibong First Aid Kit?

Ang isang epektibong first aid kit ay dapat taglay ang sumusunod:

  • Kumpletong gamot at panglunas. Siguraduhing may gamot para sa mga sakit gaya ng lagnat, impeksyon, sipon, pagtatae, allergy, pagsusuka at iba pa. Dapat ay kumpleto rin ito sa mga panglunas sa sugat gaya ng alcohol, betadine at bandages.
  • Bagong mga gamot. Tiyakin na ang mga gamot ay hindi pa expired at laging napapalitan ng bago.

Ayon sa Red Cross, ang isang First Aid Kit ay dapat maglaman ng sumusunod:

  • 2 absorbent compress dressings (5 x 9 inches)
  • 25 adhesive bandages (assorted sizes)
  • 1 adhesive cloth tape (10 yards x 1 inch)
  • 5 antibiotic ointment packets (approximately 1 gram)
  • 5 antiseptic wipe packets
  • 2 packets ng aspirin (81 mg each)
  • 1 blanket (space blanket)
  • 1 breathing barrier (with one-way valve)
  • 1 instant cold compress
  • 2 pair of nonlatex gloves (size: large)
  • 2 hydrocortisone ointment packets (approximately 1 gram each)
  • Scissors
  • 1 roller bandage (3 inches wide)
  • 1 roller bandage (4 inches wide)
  • 5 sterile gauze pads (3 x 3 inches)
  • 5 sterile gauze pads (4 x 4 inches)
  • Oral thermometer (non-mercury/nonglass)
  • 2 triangular bandages
  • Tweezers
  • First aid instruction booklet