Ano ang gamot sa migraine?

May dalawang uri ng gamutan pag-dating sa migraine. Abortive o pantigil sa sakit, at Preventive o pang-iwas sa sakit. Layon ng abortive drugs na agad patigilin ang nararamdamang sakit ng ulo. Kabilang sa Abortive drugs na mabibiling “over the counter” ay ang sumusunod: Ibuprofen, Aspirin + Acetaminophen + Cafeine, Acetaminophen at Naproxen. Ang mga Triptans na isang uri ng abortive drug ay mabisa rin laban sa atake ng migraine. Kabilang dito ang Almotriptan, Frovatriptan, Rizatriptan, Zolmitriptan at Eletriptan. Sa mga pasyente na madalas makaranas at may malalang kondisyon ng migraine, Preventive drugs naman ang kadalasang nirereseta. Kabilang dito ang diclofenac at naproxen sodium na mga anti-inflamatory. Ang mga antidepressants gaya ng amitriptyline at nortriptyline ay mahusay din na pang-gamot. Bagaman subok na ang mga nabanggit na gamot, mas mainam pa rin na kumonsulta sa doktor at humingi ng reseta.

Ang simpleng sakit ng ulo na hindi na kinakailangan pa ng preskripsyon mula sa doktor ay maaaring malunasan sa bahay:

  • Maglagay lamang ng ice pack sa noo, sa sinitdo o sa likod ng ulo.
  • Maligo sa maligamgam na tubig.
  • Magpamasahe sa ulo
  • Tamang pahinga at pagtulog.