Ano ang mga sintomas ng tonsilitis?

Ang pangunahing sintomas ng tonsilitis ay ang pamamaga ng tonsils na bahagi ng lalamunan. At kung minsan, sa sobrang pamamaga, ay maaaring makabara sa daluyan ng hangin. Narito ang ilan pang sintomas ng tonsilitis:

  • Pananakit ng lalamunan,
  • Hirap sa paglunok
  • Pamumula ng mga tonsils
  • Pagnanana ng tonsils
  • Pagkawala ng boses
  • Kawalan ng gana sa pagkain
  • Pamamaga ng glands sa leeg at panga
  • Panankit ng ulot
  • Lagnat
  • Mabahong hininga

Para naman sa mga batang hirap magsabi sa kanilang nararamdaman, ang mga sintomas ay ang sumusunod:

  • Paglalaway dahil sa hirap sa paglunok
  • Pagususka
  • Ayaw kumain

Kailan nangangailangang magpatingin sa doktor?

Kinakailangang magpatingin na sa doktor kung ang tonsilitis ay tumagal at hindi kayang malunasan ng mga pangunahing gamot. Kinakailangan ding magpasuri kung naaapektohan na o nahihirapan na sa paghinga. Maaari ding magpatingin kung may kasamang panghihina at lagnat ang tonsilitis.