Ang kagat ng alupihan o tusok ng alakdan ay maaaring magdulot ng ilang sintomas lalo na sa mga unang oras ng pagkakakagat. Iba-iba rin ang mga sintomas na maaring maranasan depende sa kung anong uri ng alupihan o alakdan ang nakakagat. Narito ang ilang sintomas:
- Mainit na pakiramdam sa bahaging kinagatan
- Pananakit sa bahaging kinagatan
- Pamamanhin ng bahaging kinagatan pati na ang lugar na nakapaligid dito
- Pamamaga ng bahaging kinagatan.
Sa mga malalalang kaso, ang mga sintomas na maaaring maranasan ay ang sumusunod:
- Paninigas ng kalamnan na nakapalibot sa kinagatan
- Lagnat
- Pananakit ng ulo
- Pagpapawis
- Pagsusuka
- Paglalaway
- Altapresyon
- Hindi mapakali
Kailan dapat magpatingin sa doktor?
Kung ang kagat ay nagdudulot ng matitinding sintomas, lalo na sa mga bata, makabubuting ipatingin na agad sa doktor.