Ang paa na apektado ng alipunga ay tiyak na makakaranas ng ilang mga kondisyon na talaga namang hindi komportable sa pakiramdam. Ang mga sintomas na maaaring maranasan ay ang mga sumusunod:
- Pagtutuklap (flaking) ng balat sa talampakan at pagitan ng mga daliri ng paa.
- Pangangaliskis (scaling) ng balat sa pagitan din ng mga daliri ng paa.
- Pangangati (itching) sa apektadong paa.
- Pagsusugat sa makating bahagi ng paa.
- Pamumula at paghapdi ng apektadong paa.
- Mabaho ang amoy ng paa.
Kailan dapat ipatingin sa doktor?
Ang malalang kondisyon ng alipunga ay dapat nang ilapit sa dermatologist o sa espesyalista sa mga sakit sa balat. Ito ay lalong dapat nang ilapit sa doktor kung ang paa ay dumaranas na ng matinding pagsusugat at nakaaapekto na sa pang-araw-araw na gawain.